Monday, March 31, 2014

Kasi idol ko magsulat si Pal, magtatagalog ako! (at kung paano maging manunulat sa internet)

Hello.

Bago ako magsimula, gusto ko muna magpakilala (in tagalog). Ako nga pala si Noel Christian y Manloza y Posas y Olalo y Yulo o tawagin niyo na lamang ako sa pangalang NOEL YULO. Ako'y dalawangpu't tatlong taong gulang at nag tatrabaho sa isang call center bilang guro (ewan ko anong tagalog ng trainer) dito sa syudad ng Dabaw. Sa aking mga taga subaybay (kung meron man), kadalasan nagsusulat ako ng ingles sa blog kung ito ukol sa mga bagay2x ng buhay ko (kasi ganun ako ka importante sa pananaw ko). Sa ngayon, iibahin ko muna ang timpla kasi...wala lang, gusto ko lng ma-iba.

DISCLAIMER: HINDI AKO MAGALING MAG TAGALOG. PERO ILANG BESES NA AKO NAPAGKAMALAN DATI NA GALING NG MAYNILA SO BAKA PWEDE NA RIN ITONG TAGALOG KO.

Sabihin na rin natin sigurong may tao akong hinahangaan ngayon. Pangalan niya pala ay ALVIN DOMANAIS or simply "Pal" na galing ng Maynila. Sa totoo lang di ko talaga alam bakit yan palayaw niya pero yun tawag nila sa kanya eh so yun na rin sinunod ko. Kapwa trainer ko si Pal at kahit halos araw2x kami nagkikita at nag-uusap, di kami ganun ka close. Magaling ang taong ito sa maraming bagay tulad ng rate codes (taga Comcast lang makakaintindi), pagkuha ng mga larawan (photographer ang boy na ito) at higit sa lahat, magaling mag sulat (sa internet. Maganda rin hand-writing niya.) Kakailan lamang nung nalaman ko na nagsusulat pala itong si Pal at may sariling blog. Tulad ko, minsan na lang din siya nagsusulat eh kasi busy sa trabaho. Ang malaking kaibahan lang sa aming dalawa ay kahit minsan lang siya magsulat, ala eh ilang daan na tao ang magbabasa ng blog niya pagkatapos niya ito i-post sa Facebook. Di ko alam kung artista ba ito dati pero sadyang ang daming kaibigan ng taong ito (kaya siguro pangalan niya Pal).

Ganyan man siya, pero daming babaeng nagkakagusto sa taong ito.

Pero hindi talaga dahil sa rami ng kaibigan niya kaya maraming nagbabasa sa blog niya, may angking talento talaga ang taong ito sa pagsusulat. At kadalasan ang mga sinusulat niya ay may kabuluhan or ika nga "Makes a lot...no, BIG of sense." Ewan ko, pansin ko lang na kapag aktibista ang isang tao kapag nagsusulat kakaiba talaga ang dating. Ilang beses ko na ito napansin sa ibang mga Pinoy bloggers diyan na may lahing aktibista rin. Dumurugo talaga ang ilong ko sa lalim ng tagalog nila na kahit ako medyo dinurugo na din ang ilong sa kababasa lang ng tagalog ko. At isa pa, kakaiba ang presentasyon ng mga sinusulat nila. May naka BOLD, UNDERLINE at STRIKETHROUGH (common ang Italic kasi ginagamit ko din eh). Kaya sa sobrang hanga ko sa pagsusulat niya, kinalulugod kung sabihin na kokopyahin ko ang istilo ni Pal sa post kung ito eh kasi sabi nga sa title ko, idol ko siya magsulat, eh di gagayahin ko siya. Alam ko may batas tungkol sa "Copyright Infringement" pero sana naman di niya ako kasuhan. Pal, san ka man ngayon, pagbigyan mo na ako at dahil diyan may free plug-in ka....

MABABASA NIYO ANG NAPAKA RAKENROL NA BLOG NI PAL SA: 

 Salamat idol!


                                         - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  (Oo pati ito kokopyahin ko)

Napag-usapan na lang man din natin si Pal tungkol sa pagsusulat niya, pag-usapan na lang din natin kung paano magsulat sa internet. UNA SA LAHAT...marahil di ka blogger. Siguro nakita mo lang ang post kung ito sa Facebook at naisipan mong "Aba, tagalog ang blog ni Noel, mabasa nga." Or siguro na pindot mo lang na walang kamalay2x at dahil na load na ay binabasa mo na lang. Matagal na akong blogger. High school pa lang ako mahilig na ako magsulat. Sa Friendster blogs pa lang ako dati kasi yun pa ang "Facebook" noon. Siyempre tumagalan, nawala ang Friendster, nag lipat bahay na rin ako sa pag-blog ko. Una kung sinubukan sa Tumblr eh kasi mahilig mag repost ang mga kaklase ko nang kung anong-anong pictures. Tapos sinubukan ko din mag Blogger kasi parang yung ang pinakasikat eh. At dahil di pa ako kuntento, nag Wordpress na ako para sabihin nilang tanyag ako na blogger na may tatlong blog. 

Motto ko sa blogging. AKA "Dahil wala ako kausap magsusulat na lng ako."

HINDI AKO TANYAG NA BLOGGER. PERO PANGARAP KO MAGING. Tulad niyo nagsimula rin ako na walang ideya kung paano magsulat sa internet. Kaya bilang blogger sa tingin ko responsibilidad ko na ipamahagi ang mga nalalaman ko tungkol sa blogging. Di naman mahirap ang pag blog. Walang math. Walang science. Pwera na lang kung yun ang gusto mo pag-usapan pero sa tingin ko boring yan. Mga simpleng tips lang naman ang ibibigay ko para hindi kayo mahirapan (at nakakapagod mag sulat ng mahaba kaya intindihin niyo na lang. Matatalino naman kayo. Uyyyy nag-blush!):

1. Internet. Basic necessity ito tsong. Eh kasi magsusulat kayo sa internet malamang kailangan niyo ng internet connection diba? Di naman kailangan mabilis ang net niyo kasi matagal mag blog. Kailangan mo pa mag-isip at kung hindi naman sanay mga daliri mo sa kakatype eh di okay na. TRUST ME, dial-up lang net namin dati pero nakaka blog ako kahit papaano. Mahigit sa lahat, magagamit mo rin ang internet pang research mo sa isusulat mo or di kaya pang hanap mo ng picture. Huwag na huwag ka lang madidistract at aabutin ka ng isang buwan para sa isang sentence dahil lang gusto mo manood ng Youtube (at porn. Kala niyo di ko sasabihin? Lokohin niyo pa lolo niyo alam ko!)

2. Blog site. So tapos kana manood? Okay, ang susunod mo na gagawin ay maghanap ng maganda site kung saan ka pwede mag sulat. Maraming blog site ang pwede mo pag pilian. Kung may Google ka, ang ma-inam mong piliin ay ang Blogger kasi Google integrated ito. Kung mahilig ka naman sa pictures, sa Tumblr ka na lang mag blog. Kung gusto mo naman na medyo sophisticated ang dating (at wala kang Gmail), sa Wordpress ka na lang. At kung choosy kapa at ayaw mo gamitin yung mga sinabi ko, eh mag search ka na lng. Siguro naman kaya mo na yan gawin diba? Ang importante ay kumportable ka sa pagsulat dito na site at hindi ka malilito sa paggamit nito.

3. Istilo...or STYLE. Ang tao iba't-iba. Ang iba mahilig sa komiks, ang iba naman mahilig sa cartoons. Ang iba gusto lang manood ng TV, ang iba gusto mag DVD. Ang iba gusto ng mestiso/mestisa, ang iba gusto ng exotic (tanungin mo ang mga 'kano kung bakit). For short, iba2x ang taste natin so malamang iba2x rin tayo magsulat. Kaya bilang isang blogger, kailangan may sarili kang style. Ano ba gusto mo? Gusto mo ba magpatawa at gumamit ng Arial? Or di naman kaya punuin mo ng BOLD ang mga sinusulat mo? Gusto mo ba maglagay ng pictures pagkatapos ng bawat paragraph? Gusto mo ba mag tagalog lamang or maybe you want to speak in English or cheng weng chu so wei papu (sorry, di ako marunong mag Mandarin). Kung ano man style mo, nasa sa iyo na yan. Ang importante ay marating mo kung ano man yung gusto mo iparating at hindi mag mukhang webdingsang mga sinusulat mo.

4. Ideas. Gamitin mo ang IMAHINASYON mo. Siyempre, dapat may topic ka sa blog mo. Ang dami-daming pwede mo pag-usapan. Pwede yung crush mo nung high school na binusted ka na di ka pa nakakasimula manligaw. Pwede naman kung paano gumawa ng flower pot (or kung sino bumasag ng flower pot mo). Subukan mo na rin ang physics ng aerodynamics. Or pwede namang links ng mga paborito mong "videos". Ikaw na bahala mag-isip kasi matanda kana. Basta may matutunan ang tao or matutuwa sila sa blog mo, okay na kung ano pang ilalagay mo. Basta huwag ka lang mag COPY PASTE galing sa gawa ng iba at sure ako di ka makukulong (pwera na lang kung walang nagbabasa ng blog mo eh di safe ka). Which brings us to...

5. Friends...pa Like read naman ng status blog ko oh. Kung hindi ka man artista or sikat na tao sa baryo niyo, siguro wala ka pa talagang fans. Siyempre, ang gawa ng blog ay hindi lamang isang diary (note to self) kundi isang form of literature na pwede basahin ng iba. At kung kailangan mo ng mga tao na magkakalat ng kalat blog mo, eh siyempre maghanap ka na tulong sa mga friends mo. Hindi lahat ng friends natin mahilig magbasa unless si J.K Rowling ka or Stephanie Meyer. Pero kung nalaman nila na yung taong nahihirapan makapasa sa English ay nagsusulat, ay, 6 out of 10 (based from actual feelings) ay babasahin ang blog mo. Minsan di na nila ipagsasabi sa iba na nagsusulat ka or i-click ang Share button sa Facebook pero makakaasa ka na binasa na nila blog mo, o ang unang talata lang pero at least binasa diba? Sa mga kaibigan ka magsimula at kung sweswertehin, dadami ang tatawa magbabasa ng blog mo. Ayos diba? Solid!

                                                   - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

HULING BILIN. Ang pag-blog ay isang hobby lamang. Pwera na lang kung mukha kang pera at sa tingin mo ay may ginto sa sinusulat mo eh di go, make money rain bitch! Pero huwag masyado dibdibin ang pag-blog. Magsaya ka, magsulat ka ng mga bagay na makakatulong sa iba. "Blogging is a form of art" sabi ko nga pero hindi talaga ako sure. Sana ay natulungan ko kaya magkaroon ng ideya kung paano mag blog. I DO NOT CLAIM THAT THIS WILL HELP YOU TO BECOME A BLOGGER pero naman!!! Basic na lang yung pinagsasabi ko kaya go! Make you National Hero proud! Magsulat ka at para hindi mag-amoy isda...ang Tagalog mo! Yun ba yun? Yeah, go love your language! :)

Hanggang dito na lamang ako at medyo nauubusan na ako ng tagalog. Kung may reader man ako na tagalog, pasensya na sa mga wrong spelling and incorrect grammar dahil nung araw na pinamahagi ng Panginoon ang Tagalog, nasobrahan ko ata ng Ingles ang basket ko. Kung pasado na ang tagalog ko baka mag Part 2 ako ng post na ubod ng broken Tagalog. Kaya dito na lang muna at tuyo na ang utak ko sa kakatagalog. Salamat sa lahat ng nagbasa at sa uulitin! Paalam!

                                                                                Nagmamahal, 

                                                                                       Batman "of Davao City"
                                                                                                         

1 comment: